Manila, Philippines – Sa bicameral conference nitong Miyerkules, ika-11 ng Disyembre, inaprubahan na ng mga senator at miyembro ng House of Representatives ang House Bill No. 10800 o ang panukalang P6.353 trillion na 2025 national budget.
Sa inaprubahang bersyon, isinapinal na rin ang mahigit P1 bilyong tapyas sa pondo ng Office of the Vice President (OVP), at makatatanggap na lamang ng P733 million na pondo para sa susunod na taon.
Sa ilalim din nito, ipagpapatuloy ang paglalaan ng alokasyon para sa Ayuda para sa Kapos and Kita Program (AKAP), ngunit ibinababa ito sa P26 billion mula P39 million.
Ayon kay Senate Finance Committee Chairperson Senator Grace Poe, sinasalamin ng naaprubahang budget ang mas mataas na alokasyon ng pondo partikular na sa social protection, edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at disaster response, bukod pa sa sektor ng depensa, transportasyon, at mga imprastraktura.
Makaraang makalusot sa kongreso at maisumite sa opisina ng pangulo, inaasahang lalagdaan na ito ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. sa ika-20 ng Disyembre.