Cagayan, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa Union Water Impounding Dam sa Claveria, Cagayan kasama ang National Irrigation Administration (NIA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Layon ng proyektong ito na mapatubigan ang higit 3,600 hectares na lupang sakahan ng mahigit isang libong magsasaka mula sa pitong barangay.
Ayon sa DPWH magsisilbi rin daw ang naturang dam bilang flood control na may slope protection na syang iipon sa mga tubig ulan upang hindi magkaroon ng sobrang pagbaha sa Cagayan, kung saan nadadamay ang mga sakahan.
Sa naganap na Ugnayan Dialogue ng Pangulo kasama ang mga magsasaka, binigyang diin nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito pagdating sa food security, kaya naman ang mga katulad daw na proyekto na para sa kanila ay dapat na isa sa mga binibigyang pansin ng pamahalaan.
Binigyang diin din ng Pangulo na ang kakapasinaya lang na Dam ay patunay lamang daw na kayang bumuo ng DPWH ng flood control na epektibo at mapapakinabangan ng taumbayan, hindi gaya ng mga maanomalyang flood control na kinurakot lamang ng mga kontratista.
Pinondohan naman ang nasabing Dam ng mahigit sa P750M na ginawa lamang sa loob ng labong apat na buwan
Samantala ang Impounding Dam ay bahagi ng ‘Katubigan o Kalsada tungo sa Patubigan Program’ na pinagsamang proyekto ng NIAa at DPWH.