PINSALA SA AGRIKULTURA NG CEBU, UMABOT SA P176.8-M

Cebu City, Philippines – Umabot sa 32 na lokal na pamahalaan ng Cebu ang lubos na napinsala ng matinding init ng panahon na umabot sa PHP 176.8 million ng halaga nito.

Ayon sa ulat ng pamahalaang panlalawigan ng Cebu, ito ang halaga ng mga nasirang livestock at pananim sa kanilang probinsya.

Naiulat na mula sa kapitolyo ng lugar, 12,312 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng El Niño na umabot sa kabuuang 3,179.32 ektarya.

Nangako si Cebu Governor Gwendolyn Garcia na tututukan nito ang pagtulong sa sektor ng agrikultura.

Gayunpaman, nilinaw niya na ang deklarasyon ay hindi naglalayong magbigay ng “dole out” o ayuda sa mga residente ngunit isang paalala na ang pinsala ay hindi normal.

Aniya pa ni Garcia na maglalabas siya ng Executive Order para sa pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka.

Samantala, nakatakdang magpasa ng resolusyon ang Provincial Board sa ika-20 ng Mayo na sumusuporta sa deklarasyon ng gobernador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this