Upang maabot ng Philippine Coconut Authority o PCA na maging number 1 coconut exporter ang Pilipinas sa buong mundo.
Tinatarget nila ngayon na makapagtanim ng isang daang milyong puno ng niyog sa iba’t ibang lugar.
Ang adhikain na yan, suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa naganap na pulong ng Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) sa Malacañang Palace kasama si Pangulong Marcos.
Napag-usapan ang ilang rekomendasyon upang mapataas pang lalo ang antas ng mga nasa industriya ng niyog gayundin ang mas mabilis na produksyon nito na ibinebenta sa ibang bansa.
Kaya naman inirekomenda ng PCA kay Pangulong Marcos na mapabilis ang kanilang massive coconut tree planting program na layong makapagtanim ng isang daang milyong puno bago matapos ang administrasyong Marcos.
Ayon pa sa PSAC ang kanilang isinusulong na agarang pagtatanim ng mga niyog ay dahil tumatanda na raw ang ibang mga puno na kung maagapan sa pamamagitan ng pagpapausbong ng mga bagong coconut tree ay magtutuloy tuloy ang pagkamit sa adhikaing maging number 1 coconut exporter sa buong mundo.
Ngayong taon nilalayon ng PCA na makapag tanim ng 8.5 milyon na binhi ng niyog sa mga lupang may lawak na 59,744 hectares habang target din nilang makapgbigay ng mahigit 2.8 million na fertilizer sa mga puno ng niyog.
Tuloy tuloy din daw ang pakikipag-ugnayan ng PSAC sa mga magsasaka na syang pang gagalingan ng mga binhi ng niyog.
Nito lang kamakailan nakipagkasundo ang PCA sa Department of Agrarian Reform o DAR upang mapalakas ang produksyon ng mga niyog sa mga lupang ibinigay sa mga agrarian reform beneficiaries.
Samantala ipinahayag naman ni Pangulong Marcos na titiyakin nyang mabibigyan ng sapat na pondo ang PCA para maipatupad ang nasabing programa.
“This is really a great opportunity to the country. We have a chance to do it because [of] the market. Every single part of the nut [has] use and can be sold,” President Marcos said
Sa ngayon pumapangalawa ang Pilipinas sa buong mundo na nag eexport ng iba’t ibang produkto na gawa sa niyog sa iba’t ibang bansa.
Kung saan nangunguna dito ang Indonesia.