Manila Philippines — Binatikos ng minorya sa kamara ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi raw siya tatakbo sa anumang posisyon sa 2028 national at local elections.
Ayon kay Gabriela Women’s Party Representative hindi raw kapani-paniwala ang naging pahayag ni Duterte lalo’t may mga nagdaang pahayag din ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagtakbo sa eleksyon.
“Hindi kami naniniwala lalo’t mana siya sa tatay niya – kunwari ayaw tumakbo pero kalaunan ay maghahain ng kandidatura,” ani Brosas.
Paliwanag pa ni Brosas, kung sakali mang hindi raw tatakbo sa anumang posisyon si Duterte, may mabuti daw itong maidudulot sa bansa, dahil napuputol daw nito ang mga pansariling political interest at hindi ang katayuan ng publiko.
“But if Vice President Duterte indeed refrains from running, it would be her greatest contribution to the country, as it spares our nation from a continuation of governance that prioritizes personal interests over public welfare,” dagdag pa ni Brosas.
Binigyang diin pa ng mambabatas ang mga kasong dapat kaharapin ni dating pangulong Duterte hinggil sa isyu ng paglabag sa karapatang pantao dahil sa naging madugong laban ng nagdaang administrasyon kontra sa ilegal na droga at mga extrajudicial killings.
Kahapon sa pagdinig ng Senate Committee on Finance sa panukalang pondo ng Office of the Vice President, inihayag ng ikalawang pangulo na wala raw siyang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028 elections.
Sabi pa ni VP Sara wala rin daw siyang pakialam kung patatalsikin siya ng House of Representatives.
“I won’t lose anything if they impeach me. I ran for vice president in 2022 because I needed to continue the development projects in Mindanao, Visayas, and Luzon. I thought that these projects would be given priority if I became the vice president,” ani Duterte sa pagdinig ng Senado.
Ayon naman kay ACT Teacher’s Partyist Representative France Castro, wala raw katapatan sa pangalan ni VP Sara.
“Her name has no letter “H” [for honesty]!, ani Castro sa isang pahayag.