PNP-HPG MEMBER HULI SA PAGDAAN SA EDSA-BUSWAY

MANILA PHILIPPINES – Imbis na harapin at magpatiket biglang sumibat at tumakas ang umanoy miyembro ng Philippine National Police -Highway Patrol Group (PNP-HPG) na nahuli ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) na dumaan sa EDSA busway.

Sa videong kuha ng mga miyembro ng SAICT motorsiklo nalamang ang naiwan sa kanila matapos sumakay ng taxi at iniwan ang kaniyang motor sa kalsada ang lalaking sakay nito.

Ayon sa SAICT, hinuli ang rider na nagpakilalang HPG dahil sa iligal na pagdaan sa EDSA busway pero imbes na magpatiket, nagmadaling kinuha ang susi mula sakaniyang motor at sumakay ng taxi dahilan na may hinahabol umano itong hearing.

Nagpagalaman din na expired na ang rehistro ng lisensya nito at kasalukuyang dinala sa impounding area ng Land Transportation Office (LTO) ang kaniyang motorsiklo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this