Manila, Philippines – Bilang tugon ng Department of Budget and Management (DBM) sa pinsalang idinulot ng nga nagdaang bagyo sa Masbate, magahahandog ito ng P100 milyon para sa mga rehabilitasyon sa lalawigan.
Agad na tumugon ang Department of Budget and Management (DBM) kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglabas ng ₱100 milyon para sa rehabilitasyon ng lalawigan ng Masbate, na matinding napinsala ng tatlong magkasunod na bagyo.
Sa pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, gumagalaw na ang proseso upang maihatid kaagad ang pondosa mga lokal na pamahalaan at makapagsimula ng agarang tulong at pagsasaayos.