Manila, Philippines – Sa kabila ng kaliwa’t kanang import ban at import freeze na ipinataw ng Department of Agriculture (DA) sa buhay at mga karne ng baboy na manggagaling sa Spain at Taiwan dahil sa naiulat na outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa dalawang bansa sa Europa.
Tiniyak ng Kagawaran ng Agrikultura na sapat ang supply ng mga karne ng baboy sa Pilipinas at hindi nito maaapektuhan ang pagtaas pa ng demand habang papalapit ng kapaskuhan at papasok na bagong taon.
Hindi rin daw makakaapekto ang pansamantalang import ban sa ng mga karne sa pamilihan, lalo’t lumalabas sa kanilang imbentaryo na maraming supply na maaring ilabas sa mga cold storage facility.
Samantala ang desisyon ng DA na agad maglabas ng kautusan sa pagbabawal ng pag-aangkat ay kasunod ng Nover 28 report ng Spain Veterinary authorities sa World Organization for Animal Health na may wild pigs sa Sabadell, Valles Occidental in Barcelona ang nagpositibo sa ASF.
Habang sa Taiwan naman apektado ng outbreak ang mga domesticated pigs sa Taichung City.
Nananatili namang mahigpit ang DA sa pagbabantay sa mga pantalan upang walang makalusot na mga inangkat na karne ng baboy habang umiiral ang import ban.