POSIBLENG POWER OUTAGE DULOT NG BAGYONG AGHON — MERALCO

Manila Philippines — Nagkahanda at naka high alert status na ang Meralco para sa posibleng power outage na maaaring mangyari sa ilang bahagi ng bansa dulot ng bagyong Aghon.

Ayon kay meralco vice president na si Joe R. Zaldarriaga, nakastand by na ang mga personnel ng meralco upang tugunan ang anumang mga sitwasyong pang-emergency na maaaring makaapekto sa kanilang mga pasilidad sa mga lugar na inaasahang tamaan ng bagyo.

Ang Meralco ay gumawa na ng mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang posibleng epekto ng bagyo at naglabas ng mga payo sa pag-iingat na dapat sundin ng publiko.

Dagdag pa rito, na hinihikayat ng ahensya ang mga customers nito, na sundin ang mga safety tips, tulad ng pag papatay ng main electrical power switch, pag-iwas sa mga electrical appliances kapag basa ang mga kamay, at pag tatanggal ng mga saksak ng mga ito.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon at icharge ang mga mahahalagang kagamitan tulad ng mga mobile phone, laptop, at radyo.

Samantala, sa maaaring pagkaputol ng kuryente, makinig at makipagugnayan lamang sa mga pampublikong istasyon ng radyo para sa maaaring anunsyo ng ahensya o gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this