Manila,Philippines – Inaasahang bababa ng 20% ang presyo ng bigas sa pilipinas sa setyembre dahil sa inaasahang pagtaasn ng produksyon at posibleng pagbaba ng mga taripa ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.
Ani Recto, maaaring bumaba ang presyo ng bigas simula sa ikatlong quarter. Sa kasalukuyan, nasa P45 hanggang P66 kada kilo ang presyo sa merkado para sa local commercial rice at mula P49 hanggang P65 kada kilo para sa imported commercial rice.
Dagdaga pa ni Recto na inaasahan niyang bababa ng 20% ang presyo ng bigas pagdating ng Setyembre. Ngunit ito umano ay mangangailangan ng isa, pagtaas ng produksyon; at pangalawa, ang (pagbawas) sa mga taripa.
Ang Rice Tariffication law (RTL), na nagkabisa noong Marso 5, 2019, ay nagbibigay-daan sa walang limitasyong pag-aangkat ng bigas hangga’t ang mga negosyante ng pribadong sektor ay nakakuha ng phytosanitary permit mula sa Bureau of Plant Industry at nagbabayad ng 35-porsiyento na taripa para sa mga padala mula sa mga kalapit na lugar sa Timog-silangang Asya.