Manila, Philippines — Makalipas ang dalawang magkasunod na linggo ng pagtaas, mag-r-rollback naman ngayong linggo ang presyo ng produktong petrolyo.
Batay sa magkakahiwalay na abiso ng mga oil firms, magkakaroon ng P0.10 tapyas sa kada litro ng gasolina, habang P0.50 naman na bawas sa kada litro ng kerosene.
Wala namang inaasahang magiging paggalaw sa presyo ng diesel na tumaas ng P0.40 per liter noong nakaraang linggo.
Magsisimula ang implementasyon ng rollback simula 6:00 am ng Martes para SeaOil Philippines at Shell Pilipinas, habang 8:01 am naman para sa Cleanfuel.
Nakatakda ring mag-anunsyo ng mga price adjustments ang iba pang mga oil firms anumang oras ngayong araw.
Ayon sa Department of Energy-Oil Management Bureau, ang paggalaw na ito sa presyo ng petrolyo ay maiuugnay sa taripang ipinataw ni US. President Donald Trump sa maraming bansa, maging ang pagbaba sa refineries ng China sa Marso at Abril.