Manila, Philippines — Ngayong buwan ng Marso, magpapatupad ang electricity provider na Meralco ng taas-singil sa kuryente.
Sa anunsyo nitong Martes, P0.26/kwh ang magiging dagdag sa presyo ng kuryente ngayong buwan, na sinundan ang taas-singil din sa kuryente noong buwan ng Pebrero.
Narito ang mga magiging adjustments depende sa konsumo, batay sa ipatutupad na taas-singil:
- 200 kwh — P53
- 300 kwh — P79
- 400 kwh — P106
- 500 kwh — P132
Ayon sa Meralco, ang pagtaas na ito ay bunsod ng tumaas ding transmission charge, na dala ng mas mataas na ancillary service charges mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).