Manila, Philippines – Tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho sa 96.3% noong June ayon sa paunang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Nakita ang pagdami na ito bunsod ng paglago ng mga natanggap sa trabaho sa services sector.
Sa datos ng PSA, nakita na tinatayang nasa 50.47 milyong Pilipino ang may trabaho noong Hunyo.
Mas mataas kumpara sa naitalang datos noong Mayo na 50.29 milyong Pilipino.
Bukod sa pagtaas ng bilang mga Pilipinong may trabaho sa services sector, tumaas din ang bilang ng mga Pilipinong nagkaroon ng trabaho sa agriculture sektor na 20.9%.
Sumunod ang industry sector na may ambag sa kabuuang employment rate na 17.7%.
Samantala, sa month-on-month basis, may nakitang pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong may trabaho: Accommodation and food service activities; Agriculture and forestry; Public administration and defense; Compulsory social security; Education; at Arts, entertainment and recreation.
Ayon kay Deputy National Statistician ASEC. Divina Grace Del Prado, nakapag-ambag sa pagbawas ng trabaho ang umano’y pagban sa mga online gambling at betting activities, partikular na makikita sa sektor ng Arts, entertainment, and Recreation.
Sa kabilang banda, bumaba naman ang bilang ng mga manggagawa na underemployed sa 11.4% mula 13.1% noong Mayo.
Giit ni Department of Economy, Planning, and Development Secretary Arsenio Balisacan, ang pagbaba sa bilang ng unemployed at underemployed ay bunsod ng patuloy na pagsisikap ng gobyernong mapabuti ang lagay ang mga negosyo sa bansa.
Gayundin ang paglikha ng dekalidad trabaho.—Krizza Lopez, Eurotv News