Bulacan, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng isang aktibong pulis matapos maaresto dahil sa pagkakasangkot sa serye ng robbery-holdup sa Bulacan.
Nakumpiska mula sa kanya ang mga ginamit sa krimen gaya ng cellphones baril at bala, katana, vault cutter, kasama rin ang bahagi ng ninakaw na pera.
Sabi ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director B/GEN. Rogelio Penoñes, nabisto ang sideline ng pulis sa kanilang backtracking at salaysay ng witnesses na naging biktima nito.
Sabi ni Penoñes nakatalaga sa Tanauan City Police station ang suspek na may ranggong staff sergeant at lider umano ng tinawag na gapos gang na nag-o-operate sa Bulacan.
Positibo namang itinuro at kinalala ng mga biktimaa ang suspek na syang nanutok raw sa kaniya ng baril nang holdapin siya.
Base sa imbestigasyon, kapag naka day off raw ang pulis doon siya nang hoholdup kasama ang kanyang grupo na hindi muna pinangalanan.
Nasa kustodiya ngayon ng Sta. Maria Police ang suspek ay nahaharap sa patong patong na reklamo.
Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation sa tatlo pang suspect, na sa ngayon at large pa.
Tiniyak ng PRO3 na tuloy-tuloy ang internal cleansing sa hanay ng kapulisan upang mapanatili ang integridad at kredibilidad ng PNP.
Kasabay nito, hinikayat din ang publiko na magtiwala at makipagtulungan sa kapulisan upang masiguro ang hustisya at kapayapaan sa komunidad.