QC GOV’T BINUKSAN NA ANG IKA-9 NA KLINIKA EASTWOOD

MANILA PHILIPPINES – Pormal ng binuksan ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang kanilang ika-9 na Klinika sa Eastwood na may layong makapagbigay ng HIV awareness services at iba pang may kauganayan sa kalusugan.

Pinangunahan ang naturang inagurasyon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasama ang Megaworld Management, Philippine National AIDS Council at Department of Health.

Ang Primary care facility na ito ay kauna-unahang
Private-Public Partnership (PPP) sa buong bansa na layong maghatid ng mga serbisyong pangkalusugan na may kinalaman sa Human immunodeficiency virus (HIV) at Sexually Transmitted Infection (STIs) Prevention.

Ayon kay Mayor Joy, tumataas ang bilang ng mga kabataang nagkakaroon ng nasabing impeksyon.

Kaya naman tuloy tuloy ang mga programa ng kanilang lungsod upang maiiwas dito ang mga kabataan.

“Kase yung mga tumataas na cases ay mas bata na ngayon, mga kabataan so meron po tayong mga modules, we actually teach or educate the young people sa public schools about HIV, AIDS and STI, how not to get it, how to test for example, how to avoid.” saad ni Mayor Joy sa isang press conference.

Bukod dito sinabi rin ni Dr. Rolly Cruz na may mga ordinansa nang naipasa ang kanilang lungsod upang makontrol at mapigilan ang ang HIV at STIs.

Sa naturang ordinansa, mas maraming klinika ang dapat na maipatayo sakanilang lungsod na tutugon sa mga nasabing impeksyon.

“2020 napirmahan na po natin yung comprehensive ordinance kaya po tayo nandito ay dahil kasama po yun sa ordinansa, yung pagpapatayo ng lahat clinic sa anim na distrito sa QC.” Ayon kay Dr. Rolly Cruz.

Titarget din ng lungsod ang QCZeroat2030 o Zero new HIV infection, Zero AIDS related deaths at Zero discrimination.

Gayunpaman sinabi ng Quezon City Health Department na upang makamit yan kailangan ng kooperasyon mula sa publiko.

Kaya mahigpit nilang binabantayan ang mga nagpopositibo sa HIV at STIs

“So, talagang kailangan namin ng mas maraming makita at marami pang ma-test kase hindi namin malalaman kung tapos na ang aming trabaho.” Ayon kay Dr. Ramona Asuncion ng QC Health Department

May payo naman si Regional Director Rio Magpantay ng Metro Manila Center for Health Development sa lahat na wag gawing stigma ang pag papatest sa HIV.

“Lahat po kase ng tao ke, mayaman ka, ke babae ka, mahirap ka ke lalaki ka o member ka ng LGBTQ ay pwede po tayo magkaroon ng HIV basta po yung ating practices ay medyo risky,” sabi ni Dr. Rio Magpantay ng DOH-MMCHD

“Kaya hindi ibig sabihin nagpapa test ka e stigma na yun, we just wanted to know your status and make sure that everytime na mag tetest ka ay makapag payo ka rin ng iba na ang pagpapa test ay hindi masama.” dagdag pa nito

Kabilang sa mga serbisyong iniaalok ng Klinika na matatagpuan sa third floor, Eastwood Citywalk Parking ang mga sumusunod.

  • HIV Screening
  • HIV Counselling
  • STI Consultation
  • PrEP Initiation and refill
  • ART Enrollment and refill
  • HIV and STI Lecture
  • Laboratories:
    -CD4 Test
    -Viral Load Test
    -Complete Blood Count
    -Blood Chemistry

Bukod sa Klinika sa Eastwood na bahagi ng District 3 sa Quezon City, mayroon ding iba pang pasilidad sa District 1, 2, 4 at 5.

Kasalakuyan na ring lalagyan ng kaparehas na klinika sa District 6.

Bukas naman ang nasabing Primary Care Facility mula lunes hanggang Biyernes alas 12 ng tanghali hanggang alas-9 ng gabi.

Samantala ang inagurasyon ng naturang Klinika ay bahagi pa rin ng selebrasyon ng Pride month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this