QC LGU, HANDANG MAGBIGAY NG TULONG SA MGA EMPLEYADONG NAAPEKTUHAN NG SUNOG SA MALAKING SUPERMARKET

Manila, Philippines – Handa ang Quezon City Local Government Unit na magbigay ng tulong sa mga empleyadong naapektuhan ng malaking sunog na naganap sa Landers Supermarket sa Fairview noong January 28.

Ayon sa pamahalaang lungsod, patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa pamunuan ng Landers Supermarket upang matukoy ang mga kinakailangang tulong para sa mga naapektuhan. Kabilang sa mga planong assistance ang tulong pinansyal para sa mga empleyadong pansamantalang nawalan o mawawalan ng trabaho dahil sa insidente.

Ipinahayag din ng lokal na pamahalaan ang kahandaan nitong tumulong sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng sunog, kabilang na ang isyu ng umano’y pagnanakaw o looting sa loob ng nasunog na establishimyento.

Share this