QC LGU NAGLABAS NG ADVISORY KAUGNAY SA ROAD CLOSURE AT ZIPPER LANE PARA SA “TRILLION PESO MARCH 3”

Manila, Philippines – Nagpaalala ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa mga motorista kaugnay sa ipatutupad na road closure at zipper lane scheme bunsod ng gaganaping “Trillion Peso March 3” sa Martes, Pebrero 25, kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa QC LGU, inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng EDSA People Power Monument simula alas-8 ng umaga. Kabilang sa mga maaapektuhang kalsada ang EDSA, Katipunan Avenue, Ortigas Avenue, White Plains Avenue, at Temple Drive.

Magpapatupad naman ng zipper lane sa White Plains Avenue, sa pagitan ng EDSA at Katipunan Avenue, simula alas-9 ng gabi ng Pebrero 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Pebrero 25.

Bukod dito, pansamantala ring isasara ang White Plains Avenue simula alas-6 ng umaga sa araw ng aktibidad.

Nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Disiplina, Quezon City Police District, at Metropolitan Manila Development Authorityupang umalalay at magpatupad ng kaayusan sa trapiko.

Pinapayuhan din ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala

Share this