QUALITY BASIC EDUCATION DEV’T PLAN 2025-2035, TUGON SA HAMON SA SECTOR NG EDUKASYON – DEPED

Manila, Philippines – Matapos mabanggit ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) kung saan prayoridad nito na maitaas ang sektor ng edukasyon sa bansa, sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang layunin na matugunan ang mga hamon sa usaping ito.

Pormal nang inilunsad ng DepEd ang Quality Basic Education Development Plan o QBEDP 2025–2035.

Sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara ang paglulunsad ng 5-point Reform Agenda ng kagawaran.

Ang QBEDP ang di umano’y tatayong pambansang blueprint o plano para sa ikauunlad ng sektor ng edukasyon sa bansa, ani Angara.

Dito ay makikita ng plano para sa mga guro, kabilang ang reporma ng pagpapalawak ng career progression.

Isusulong din dito ang kapakanan ng mga mag-aaral sa pagpapahusay ng kalidad ng pagkatuto ng mga ito batay sa reporma ng edukasyon.

Para ganap na maisakatuparan ang adhikain ng kagawaran ay mas pinalakas nito ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor pati na rin sa digitalization sa mga education sector.

Share this