REGISTRATION NG PBBM PARTYLIST, KINANSELA NG COMELEC DAHIL SA MISREPRESENTATION

Manila, Philippines — Kinansela na ng Commission on Elections (COMELEC) ang registration ng Pilipinas Babangon Muli o PBBM Partylist para sa darating na halalan sa Mayo dahil sa umano’y misrepresentation ng naturang party group.

Batay sa desisyong ibinaba ng COMELEC Second Division, pinaburan nito ang petisyon ni Atty. Jess Christian Ramirez para sa kanselasyon ng registration ng PBBM partylist dahil sa alegasyon ng misrepresentation.

Sa petisyon ni Ramirez, iginiit nya na sinasabi ng PBBM partylist na inirerepresenta nito sa Halalan ang CALABARAZON region kahit pa wala naman sa mga nominees nito ang taga-CALABRAZON.

Alinsunod sa Section 9 ng Republic act No. 7941, kailangang ang mga nominado sa partylist representative ay miyembro ng partido o organisasyong kanilang inirerepresenta.

Lumalabas na pagsusuri sa certificate of nomination ng mga nominees ng PBBM Partylist, walo rito ay mga residente ng ABRA Province, isa mula sa Cagayan, at isa sa Quezon.

Ayon sa COMELEC, wala sa mga ito ang residente ng CALABARZON, kung kaya’t hindi sila magiging kwalipikado na maging nominee ng PBBM Partylist.

Ang kawalan ng kahit isang kwalipikadong nominee ay magreresulta sa diskwalipikasyon ng partido sa Halalan.

Share this