RELEIF OPERATION, ISINAGAWA NG TFOE-PE SA MT. KANLAON

MANILA, PHILIPPINES – Nagsagawa ng releif operation ang The Fraternal Order of Eagles, Philippine Eagles sa Mt. Kanlaon para sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto nito.

Ang aktibidad daw na yan, bahagi ng kanilang paggunita sa ika-126 na araw ng kalayaan.

Sa direktiba ng National President ng naturang organisasyon na si Ronald Delos Santos, pinangunahan ng Triple D Commission, Special Task Force Alalay ng Agila at iba pang region at club ang releif operation sa mga apektadong pamilya at indibidwal sa bayan na nasasakop ng Western at Central Visayas.

“Ang isa sa pinaka highlights ng organisasyon namin ngayon ay yung team natin na nandoon ngayon sa Mt. Kanlaon para magbigay sa mga nabiktima ng Mt. Kanlaon Volcano eruption,” saad ni NP Ronald Delos Santos sa isang panayam.

“Yung beneficiaries natin a rekeif packs yung niready natin so, yun yung mabibigyan natin na mga beneficiaries sa areas na yun,” dagdag pa nito.

Katuwang din ng organisasyon ang lokal na pamahalaan ng probinsya at mga kapulisan upang maihatid ng ligtas ang dala dala nilang mga tulong.

READ: DSWD VISITS NEGROS ORIENTAL AFTER THE EXPLOSION OF MT. KANLAON

Samantala kasabay nyan nanawagan din si Delos Santos ng pagkakaisa at sama samang pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan.

Photo Courtesy: Joseph Cuisa Jocson/FB

READ: MANDATORY EVACUATION IPINAG-UTOS SA GITNA NG PAGSABOG NG MT.KANLAON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this