RESULTA NG HIV TEST, MALALAMAN NA KAAGAD SA LOOB LANG NG ISANG ARAW – DOH 

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na mas madali na ngayong malalaman ang resulta ng Human Immunodeficieny Virus (HIV) test.

Kung dati inaabot pa ng pitong araw hanggang tatlong linggo bago malaman ang HIV status, ngayon sa loob na lang ng isang araw kaagad ng lalabas ang resulta nito.

Ayon sa DOH, may 168 Rapid HIV Diagnostic Algorithm (rHIVda) laboratories sa buong bansa na mayroon ng HIV confirmatory test na maaaring puntahan ng mga nais magpa-test.

Matatagpuan ito sa iba’t ibang mga ospital kagaya na lamang ng mga sumusunod na lugar: 

  • Cordillera Administrative Region (CAR)
  • Ilocos
  • Cagayan Valley
  • Central Luzon
  • Calabarzon
  • Mimaropa
  • Bicol Region
  • Western, Eastern at Central Visayas
  • Negros Island Region
  • Siquijor
  • Zamboanga Peninsula
  • Northern Mindanao
  • Davao
  • Soccksaragen
  • Caraga
  • National Capital Region
  • Bagsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa,antala, una nang iniulat ng kagawaran na mayroon namang 299 na HIV care facilities na nakapalibot sa Luzon, Visayas, at Mindanao na siya namang nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo gaya ng pamimigay ng antiretroviral o gamot na kayang kontrolin ang HIV, counseling, at regular monitoring sa mga pasyente.

Batay sa National HIV, AIDS at STI Prevention and Control Program, layon nilang palakasin ang case finding at mapabuti ang lawak ng HIV testing sa pamamagitan ng mas maraming confirmatory test sa buong bansa.

Tinatarget din nila ang 95-95-95 health targets kung saan ang mga people living with HIV ay alam ang kanilang status, 95%  sa mga ito na positibo sa sakit ay nakatatanggap ng antiretroviral therapy at 95% naman sa mga may HIV ay nakontrol na ang sakit sa kanilang katawan pagsapit ng 2030.

Samantala, hinikayat naman ng DOH ang iba pang mga ospital na maglaan din ng HIV confirmatory testing laboratory sa kanilang HIV treatment facilities.

Share this