ROMUALDEZ, 17 MAMBABATAS MULA SA KAMARA, INIIMBITAHAN SA PAGDINIG NG BLUE RIBBON SA NOV.14 

Manila, Philippines – Kinumpirma ngayong Martes, Nob. 11 ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Chair Ping Lacson na iimbitahan ng Senado si dating house speaker Martin Romualdez at labing pitong mambabatas na nauugnay sa flood control project corruption.

Ayon kay Senator Lacson, ipapadaan ang sulat kay House Speaker Bojie Dy, sa oras na i-proklama muli siya bilang chairman ng komite.

Bukod kay Romualdez, iimbitahan ang labing pitong mambabatas na nabanggit ng mga Discaya na tumatanggap umano ng kickback. 

Matatandaan na sa sinumpaang salaysay ng mag-asawang Discaya, nagbanggit sila ng mga pangalan mula sa house at ilang pangalan mula sa tanggapan ng Department of Public Works and Highway. 

Ang mga pangalan na ito ay nanghihingi ng 10 to 25% kickbacks bilang pag-award sa mga government contracts sa mga kontratista. 

Dahil sa mga alegasyon na ito, tiniyak ni Lacson na iimbitahan sa senado ang mga mambabatas na nabanggit ng mga Discaya. 

Sa November 14, muling itutuloy ang imbestigasyon ng blue ribbon committee kaugnay sa mga katiwalian sa flood control projects.—Krizza Lopez, Eurotv News 

Share this