Manila, Philippines – Tatlong pu’t pitong indibidwal kabilang na ang mambabatas, dating opisyal ng DPWH, at mga private contractor ang nairekomenda na ng Independent Commission for Infrastructure para kasuhan sa Office of the Ombudsman.
Ito ay matapos ipresenta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang recent developments sa isinasagawang imbestigasyon ng ICI.
Ngunit sa listahan hindi pa kabilang si dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez.
Paliwanag ni Pangulong Marcos, tanging ang mga ebidensya mula sa mga testimonya sa senado ang nagtuturo kay Romualdez.
Sa kabila ng pahayag ng pangulo, tiniyak niya na kung may dapat sagutin si Romualdez habang gumugulong ang imbestigasyon ay kailangan niyang tumugon.
Dagdag ng pangulo na hindi hihinto ang administrasyon sa mga pangalan na nabanggit niya ngayong araw.
At tiniyak na walang exempted sa kaso ng korapsyon sa Pilipinas.—Krizza Lopez, Eurotv News