CORON, PALAWAN – Opisyal ng idineklarang Persona non-grata NG lokal na pamahalaan ng palawan ang vlogger na Sina Rosmar Tan at Rendon Labador .
Agad na inaprubahan sa una at huling pagbasa ang resolusyon na isinumite ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan na nagdedeklara sa mga social media personalities at ng Team Malakas bilang persona non-grata sa buong lalawigan ng Palawan.
Ayon kay Palawan 1st District board member Juan Antonio Alvarez, ang Munisipalidad ng Coron at ang mga mamamayan nito ay ininsulto nina Rosmar at Rendon.
Bumisita ang Team Malakas sa Coron para sa isang outreach, ngunit ang staff ng opisina ng alkalde na si Jho Cayabyab Trinidad ay nagsabi sa isang post sa social media na “ginamit” nila ang mga taga-Coron para sa kanilang vlog.
Noon ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang grupo nina Labador at Tan kay Trinidad sa opisina ng alkalde.
Sinabi ni Alvarez na bagama’t maaaring mali ang reklamo ni Trinidad sa Facebook, personal pa rin itong post at hindi opisyal na pahayag mula sa munisipyo.
Sobra raw Kasi ang naging reaksyon ng grupo at dapat silang bigyan ng leksyon. Aniya, ang kanilang pagtulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong ay hindi nagbibigay sa kanila ng karapatang hiyain ang mga residente ng Coron.
Noong Martes ng umaga, humingi ng paumanhin ang grupo matapos magbahagi ng draft ng resolusyon ang miyembro ng municipal council ng Coron na si John Patrick Reyes na nagdedeklara sa kanila bilang persona non-grata sa Coron.
Ayon sa binalangkas na resolusyon, ang mga aksyon ni Labador ay walang galang, hindi naaangkop, at isang tahasang pagwawalang-bahala sa wastong kagandahang-asal,habang si Tan ay nagdulot naman umano ng hindi nararapat na pagkabalisa at kahihiyan sa mga tauhan ng alkalde at nakitang negatibong pag-uugali sa opisina na kanyang kinakatawan.