SA SOUTH CHINA SEA ISSUE, TINALAKAY SA PAGITAN NG DFA, CHINA

Manila Philippines — Tinalakay sa pagitan ng dalawang kinatawa ng Pilipinas at ng China ang mga sighalot at tensyon sa West Philippine Sea sa ika-9 na Bilateral Consultation Mechanism  on the South China Sea (BCM).

Bahagi ito ng magkakasunod na preparatory meeting na naganap sa Manila at bunga ng ika-8 Bilateral Consultation Mechanism.

Nagkaroon umano ng pranka at makabuluhang diskusyon sina Philippine Foreign Affairs Undersecretary Ma. Theresa P. Lazaro and Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong kaugnay sa sitwasyon sa South China Sea.

Iginiit umano ni Undersecretary Lazaro sa kanyang counterpart na magpapatuloy ang Pilipinas sa walang humpay na pagpoprotekta sa interes at pagpapanatili ng soberanya, karapatan at hurisdiksyon sa West Philippine Sea.

“Undersecretary Lazaro underscored to her counterpart that the Philippines will be relentless in protecting its interests and upholding its sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction in the West Philippine Sea,’ ayon sa pahayag ng DFA.

Sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon at sighalot sa South China Sea, kinilala umano ng dalawang opisyal na dapat ibalik muli ang tiwala, kumpiyansa at pagbuo ng mga kondisyon tungo sa mas produktibong dayalogo at interaksyon.

Tinalakay din ang parehong posisyon ng Manila at ng Beijing sa Ayungin Shoal at iginiit ang pangako ng dalawang bansa na maging mahinahon sa tensyon na walang pagtatanggi sa parehong posisyon.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa na ipagpapatuloy ang usapin upang makabuo ng resolusyon sa mga isyung dapat mapagkasunduan.

“The two sides discussed their respective positions on Ayungin Shoal and affirmed their commitment to de-escalate tensions without prejudice to their respective positions… Both sides agreed to continue discussions to find a mutually-acceptable resolution to the issues,” dagdag pa ng DFA.

Sa pahayag naman na ibinahagi ng Chinese embassy, hinikayat umano ng China ang Pilipinas na itigil na ang anumang uri ng paglabag sa maritime at mga panunukso.

Kasabay ng pagatas sa Pilipinas na sumunod sa mga probisyon sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).


Gayundin ang panghihikayat sa Pilipinas na maging bahagi sa pamamahala sa sitwasyon ng Ren’ai Jiao o Second Thomas Shoal.

“The Chinese side urges the Philippine side to stop maritime infringement and provocation at once, earnestly abide by the provisions of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), return to the right track of properly handling disputes through dialogue and consultation, jointly manage the situation at Ren’ai Jiao with the Chinese side, promote the easing and cooling down of the maritime situation, and stabilize China-Philippines relations from further deterioration,’ sabi ng Chinese Embassy sa Manila sa isang pahayag.

Sa kamaikailang panghaharass ang pananakit ng Chinese Coast Guard personnel sa tropa ng militar ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, muling naghain ng diplomatikong protesta ang DFA.

Ngayong taon umabot na sa mahigit 30 protesta ang naihain ng Pilipinas laban sa China.

BASAHIN: CHINA PINAGBABAYAD NG P60-M NA DANYOS SA NASARING KAGAMITAN NG AFP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this