SAKIT SA PUSO, NANGUNGUNA PA RING DAHILAN NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO – DOH

Manila, Philippines – Nananatili pa ring isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino sa nakalipas na limang taon ang sakit sa puso o Ischaemic Heart Disease na mas kilala bilang Coronary Artery Disease (CAD).

Batay ito sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2024. 

Sa parehong taon din mula January hanggang October nakapagtala ang PSA ng higit 85,000 o 19.4% ang total mortality ng CAD sa Pilipinas.

Ayon naman sa Field Health Service Information System (FHSIS) ng Department of Health (DOH).

36% o 1 sa bawat 3 Pilipino ang nagkaroon ng sakit sa puso noong 2024

Ang Coronary Artery Disease (CAD) na isa sa mga uri ng heart disease ay isang kondisyon kung saan ang mga ugat ng puso ay sumisikip at nagbabara dahil sa naipong mga taba o kolesterol.

Sabi ng Kagawaran ng kalusugan ang CAD ay maaaring maagapan para hindi mauwi sa heart attack.

Karawang sintomas nito ang hirap sa paghinga, paninikip o pagkasit ng dibdib, hindi normal na pagtibok ng puso at pagkahilo.

Ang mga nakatatanda, sobra sa timbang o obese, naninigarilyo, umiinom ng alak, mataas ang kolesterol sa dugo, may diabetes at atltapresyon ay silang pinakamataas ang tyansa na magkaroon ng CAD.

Payo ng DOH mag ehersisyo ng 30 minuto hanggang isang oras, kumain ng masustansyang pagakin, tigilan na ang mga bisyo at panatilihing nasusunod ang maintenance.

Samantala, bukod sa sakit sa puso na siyang pangunahging dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino, ang Neoplasms o cancer at Carebrovascular disease ang pangalawa at pangatlo pang dahilan.

Share this