SAR SA MV KERSTIN 3 PANSAMANTALANG SINUSPINDE DAHIL SA BAGYONG BASYANG

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na pansamantala munang itinigil ang Search and Rescue Operations ngayong araw kaugnay sa lumubog na barko sa Basilan.

Sabi ni PCG spokesperson Capt. Noemie Cayabyab kinansela pansamantala ang nagpapatuloy na operasyon ng ahensya para na rin sa kaligtasan ng mga technical diver at PCG personnel.

Patuloy parin aniya silang nakakatanggap ng report ng mga nawawala sa kani-kanilang mga pamilya.

Sakali raw na bumuti ang lagay ng panahon bukas ay agad na ipagpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawala pa, sa ngayon kasi kailangan munang manatili sa mga pantalan ang mga ginagamit na barko.

Sa report ng PCG, nasa 84 na port ang binabantayan 5,835 na pasahero, 2,288 na rolling cargoes, 131 vessels, 7 motorbancas, ang stranded habang 264 vessels and 47 motorbancas naman ang nanatiling naka shelter dala ng bagyo.

Lahat yan ay sakop ng Northeastern Mindanao.

Samantala as of Februarary 6 pumalo na sa 45 ang nasawi at 316 ang nakaligtas noong lumubog ang barko pasado ala una ng madaling araw noong january 26, 2026.

Natunton na rin ng PCG ang lokasyon ng barko at ito ang isa sa mga pangunahing sisisirin muli ng mga diver kapag bumalik na ang kanilang operasyon.

Dalawang katawan na ang unang naihaon mula sa naturang vessel. Ang mga ito ay naipit umano, at kasama ng barko na lumubog sa ilalim ng karagatan.

Share this