Manila, Philippines – Magpapasko sa loob ng piitan.
Ito ang tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isinagawang media press briefing.
Tinukoy niya rito ang mga kontraktor at dating opisyal ng DPWH na sangkot sa katiwalaan na may kinalaman sa mga ghost flood control projects.
Giit niya, kompyansa siyang mapapanagot ang mga indibidwal sa bago ang kapaskuhan.
Klinaro rin ni Dizon ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang pagpapanagot ng mga dapat managot.
Pagbabahagi ni Dizon, halos apat na kaso na ang kanilang na naisusumite sa Office of the Ombudsman.
Binahagi rin ni Dizon na ngayong Linggo, muli silang magsasampa ng dalawang kaso sa Philippine Competition Commission kaugnay sa palpak na proyekto sa La Union at Davao Occidental.
Sa bisa ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DPWH at Philippine Space Agency, mas pinalawig ang pagmomonitor sa libo-libong proyekto na itinatayo at itatayo pa ng DPWH.
Ayon kay Secretary Dizon, importante ang hakbangin na ito sa paninigurado na mayroong tunay na proyekto na itinatayo.
Dagdag ni PhilSA Officer in Charge, gagamitin sa ngayon ang mga archive data sa pagmomonitor ng mga proyekto.
Nauna nang nagkaroon ang Department of Agriculture ng kasunduan sa PhilSA sa pagmomonitor ng mga farm to road markets.
Nilinaw rin ni Dizon na hindi lamang flood control projects ang babantayan sa kasunduan, ngunit maging ang mga ospital at iba pang imprastraktura na tinatrabaho ng DPWH.—Krizza Lopez, Eurotv News