SEC. DIZON, PINATAPYASAN ANG P255.5- M ANG PONDO NG DPWH PARA SA 2026 

Manila, Philippines – Sa gitna ng mga kinakaharap na isyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga ghost flood control projects, pinabawasan ng tanggapan ang kanilang pondo para sa Fiscal Year 2026.

Sa budget inquiry ng DPWH sa House of Representatives, nasa kabuuang P625.785 billion ang ipinasang pondo ng tanggapan sa kamara. 

28.99% ang ibinaba o nabawasan ng 255 .53 billion pesos mula sa orihinal nitong kahilingan na P881.312 billion na pondo.

Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, ito na ang pinakamababang budget na hiniling ng DPWH magmula pa noong 2020.  

Bilang pagsunod sa bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang kalakaran sa DPWH. 

Paliwanag ni Secretary Dizon, ibinawas ang 255.53 billion pesos sa locally funded na mga flood control projects na nag kakahalaga ng 252.53 billion pesos.

Ibig sabihin wala kahit isang locally funded na flood control projects para sa 2026. 

Tinanggal na rin ang mga duplicate projects, completed projects na nakatatanggap pa ng pondo, overlapping Sections in road projects, at mga proyekto katulad ng rock netting, cat’s eye at studs. 

Bukas din ang Secretary Dizon na bawasan pa ng kamara ang pondo ng DPWH kung sakaling may makita pa na line item na hindi na dapat pang pondohan. 

Ngunit napuna ni Caloocan city 2nd District representative Edgar Erice ang pagtatanggal pondo para sa mga flood control projects. 

Giit niya na hindi dapat mga Pilipino ang magdusa dulot ng baha dahil sa kapalpakan at kagagawan ng mga kapwa niya mambabatas sa kongreso. 

Binigyang diin naman ni Dizon kung saan nagmumula si Pangulong Marco na linisin ang DPWH. 

Giit niya hindi porket walang pondo ang DPWH laban sa baha ay wala nang pondo para rito. 

Nabanggit niya na mayroong pondo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa flood control ng Metro Manila. 

Binahagi ng kalihim ng DPWH na susunod na pagbabalangkas ng pondo para sa mga flood control projects, magsisimula na ang pagbuo nito magmula sa lokal na pamahalaan, pamahalaang panlalawigan, hanggang sa central office ng tanggapan.—Krizza Lopez, Eurotv News 

Share this