Manila, Philippines – Kinuwestiyon ni Senator Raffy Tulfo sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, ang hindi pagkaka-rehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang mga magsasakang ‘No Read No Write”.
Sa ilalim kase ng RSBSA ng Department of Agriculture (DA), nakalista ang mga pangalan ng mga magsasaka at mangingisda na nakatatanggap ng ayuda o tulong mula sa pamahalaan.
Kabilang dito ang libreng binhi at pataba, financial assistance, fuel subsidy, credit loan, at iba pang support services lalo na sa panahon na ang kanilang lugar ay tinamaan ng kalamidad.
Ayon sa senador, wala bang ginagawa ang DA para alalayan ang mga magsasaka sa pagsagot ng kanilang mga aplikasyon.
Paliwanag naman dito ni Director Hazel Alfon, Representative ng DA, totoong kulang at wala silang tauhan na nakakapag-assist sa mga magsasaka na no read no write.
Inirekomenda naman ng mga senador na kung ang problema ay kakulangan sa tauhan na aalalay sa mga no read no write farmers.
Bakit hindi raw lapitan ng DA at mga lokal na pamahalaan na nakasasakop sa mga magsasaka ang farm school na mayroong On the Job Training (OJT’s) at mga fresh graduate na may kinalaman sa agrikultura upang maging katuwang nila sa RSBSA para lahat ay mairehitro sa programang ito ng gobyerno.
Samantala sa ngayon batay sa unofficial data ng RSBSA, may 6.8M na mga magsasaka, 2.7M na mangingisda, 2M Farm workers at 328,413 na Agri Youth/Farm Youth ang rehistrado sa programa.
Una na noong sinabi ng Kagawaran ng Agrikultura, na marami pa ring mga magsasaka ang hindi pa nakakarehistro sa RSBSA.
Bukod sa mga “No read, No write” na hindi na lamang itinutuloy an gkanilang aplikasyon para mapabilang sa RSBSA, sobrang dami rin daw na requirements na hinihingi, at matagal na proseso.
Rekomendasyon naman ng Municipal Agriculturist sa Tigaon Camarines Sur na sa halip na Proof of Ownership, Proof of actual tiller na lamang ang hingin sa mga magsasaka, na sinag-ayunan naman ng senador.
Hiling din nito para sa lahat ng mga magpaparehistro sa RSBSA sa buong bansa na mas gawing simple ang proseso, kung saann lahat ay agad makakasama sa listahan ng mga makatatanggap ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan.
Pinasosolusyunan naman ng mga senador sa DA ang doble dobleng pangalan sa listahan ng RSBSA gayundin ang mga pumanaw nang hindi pa natatanggal sakanilang data.
Nakatakda naman daw maglunsad ang Kagawaran ng Agrikultura ng Georeferencing, Liveness check, at koordinasyon sa Philippine Statistic Authority (PSA).