SEN. RAFFY TULFO TINAWAG NA INUTIL, TAMAD AT SINUNGALING ANG FDA; FDA DINEPENSAHAN ANG ALEGASYON NA TUMATANGGAP SILA NG LAGAY 

Manila, Philippines – Naging maangahang ang mga salitang binitawan ni Senator Raffy Tulfo sa Senate Committee on Health and Demography na pinanungunahan ni Committee Chairwoman Senator Risa Hontiveros.

Kaugnay ito sa laganap pa ring unregulated, peke, at hindi ligtas sa kalusugan na mga produktong nabibili online gayundin sa merkado na malinaw na hindi dumaan sa tamang proseso at clinically trial ng Food and Drug Administration (FDA) 

Ayon kay Senator Raffy, tila walang ginagawang hakbang at aksyon ang FDA para tuluyang maipa-take down ang mga ito sa Facebook, TikTok, Shopee, Lazada at iba pang mga pamilihan sa bansa.

Kinwestyon din nito ang patuloy na pag-eendorso ng mga content creator ng produktong hindi naman rehistrado sa FDA, kung saan ang iba pa raw sa mga ito ay may sangkap ng amphetamine na kilala bilang isang drugs na hind mapa-take down ng ahensya sa matagal ng panahon.  

Ipinaliwanag naman ni FDA Director-General Atty. Paolo Teston na sa realidad, hindi sapat ang kanilang mga tauhan kaya’t may mga pagkakataong hindi kaagad naaaprubahan ang ibang aplikasyon.

Hindi rin daw sila tumatanggap ng suhol o kabayaran para mas mabilis na makakuha ng FDA Approved ang isang particular na pharmaceutical company o sinumag nais magpa-apruba.

Sa isang taon daw 254,000 ang aplikasyon na natatanggap nila na nirereview lamang ng 250 evaluators na kung susumahin higit 1,000 application kada isang tao.

Saklaw raw nito ang pharma, food, drugs, medical devices, cosmetics at iba pang regulated health products.

Mayroon lang din daw silang 248 Field Regulatory Operations Office inspector sa Luzon, Visayas at Mindanao habang 28 Regulatory Enforcement Unit officers.

Kaya’t sa kabila raw nito patuloy na nagsisikap ang FDA para tugunan ang isyu sa mga unregulated at counterfeit products.

Samantala matatandaan na makailang ulit na ring hinamon ni Senator Raffy Tulfo sa mga nagdaang pagdinig ng Senado ang Director General ng FDA na magresign na kapag hindi pa rin naresolba ang mga isyu sa unregistered, counterfeit at unsafe products. 

Kaya’t nang tanungin muli ito ng senador ng personal kay Director General Atty. Teston.

Tiniyak naman ng Representative ng Facebook at TikTok na present sa pagdinig na ang timeline nila sa pag takedown na mga walang FDA approved at pekeng produkto na ipinopost at ibinebenta sa mga digital platfrom ay tatagal lang ng 24 na oras.

Sa pagtatala naman ng FDA mahigit 3,000 administrative case ang naka-pending nagyon sakanilang ahensya na kung mapatunayang lumabag sila sa Violation of FDA Act of RA3720 at RA 9711, multang P50,000-P500,000 ang kanilang penalty na babayaran.

Inulat din ng Kagawaran na 3 sa mga ito ang convicted  sa ilalim ng counterfeit medicine RA 8203, habang sa RA9711 naman ay 11.

Share this