SEN. RISA HONTIVEROS, INILABAS ANG KOPYA NG KANYANG SALN PARA SA TAONG 2024

Manila, Philippines – Matapos alisin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga limitasyon sa pampublikong pag-access sa mga Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno, naglabas ng kaniyang kopya si Senator Risa Hontiveros bilang pakikiisa sa transparency na isinusulong ng pamahalaan.

Inilabas ni Senator Risa Hontiveros ang opisyal na kopya ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) para sa taong 2024, ayon sa kanyang opisina ngayong Lunes, Oktubre 20.

Ayon sa inilabas na pahayag, matagal nang nananawagan si Hontiveros para sa mas malawak na akses ng publiko sa SALN ng mga opisyal ng pamahalaan upang maisulong ang transparency at pananagutan sa serbisyo publiko.

Sa kabilang banda naglabas rin ng kanilang SALN ang MAKABAYAN Bloc representatives sa Kamara.

Share this