Manila, Philippines – Sa anunsyo ng electricity provider na Manila Electric Company (Meralco) ngayong Martes, ika-10 ng Disyembre, madaragdagan ng P0.1048 ang singil sa kada kilowatt/hour ng kuryente ngayong buwan, kung kailan inaasahang mas mataas din ang magiging konsumo nito.
Iniakyat nito ang overall rate ng isang tipikal na tahanan sa P11.9617/kwh mula sa P11.8569 per kWh noong Nobyembre.
Dahil dito, madaragdagan ng P21 ang bayarin sa kuryente kada 200kWh na konsumo.
P31 naman ang magiging dagdag-singil sa kada 300kWh na konsumo ng kuryente.
P42 kada 400kWh na konsumo at P52 naman kada 500kWh na gamit ng kuryente.
Ayon sa MERALCO, ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas din ng halaga ng generational charge.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Nobyembre, tumaas din ang halaga ng bayarin sa kuryente.