SOCIAL PROTECTION PARA SA MGA BENIPISYARYO NG 4PS, MAS PINALAWIG PA NG DSWD SA PAMAMAGITAN NG PAKIKIPAGTULUNGAN SA INT’L DEV’T

Makati, Philippines – Patuloy ang pagsisikap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian na mas mapalakas pa ang serbisyo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) para sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong ng gobyerno.

Sa tulong ng mga international development, layon ng DSWD na mapalawak pa ang koneksyon para higit pang makapagbigay ng tulong sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

Ginanap ang partnership forum na may temang Moving Policy into Action, binigyan diin ng pagtitipon ang epektibong epekto ng programa sa buhay ng bawat Pilipino.

Ayon kay DSWD Secretary Rexlon Gatchalian, sa dalawang taon na niyang panunungkulan bilang kalihim ng ahensya, tinutukan na niya na mas mapabuti pa ang mga programa ng kagawaran para sa ikabubuti ng pamumuhay ng bawat pilipino.

Dagdag ni Gatchalian, bunsod ng patuloy na pagbabago sa lipunan at pagkakaiba-iba, mas kailangan ng DSWD na mapabuti pa ang bawat serbisyo.

Kasabay ng naturang programa ang paglulunsad ng Social Protection, Inclusion, and Gender Equality (SPRING), katuwang Australian Embassy to the Philippines HK Yu.

Ito ang limang taong programa ng DSWD at ng iba pang ahensya ng gobyerno, kasama ang embahada ng Australia sa Pilipinas na magpapalakas sa istruktura ng social protection para sa mga Pilipinong lubos na nangangailangan.

Samantala, sa mensahe ni Ambassador HK Yu , ikinatuwa niya ang matagal nang pagtutulungan ng embahada ng Australia, ng DSWD at ng iba pang ahensya.

Bukod sa SPRING program ng Australia Embassy at ng DSWD, inilunsad din sa parehong forum ng partnership sa pagitan ng Ayala Foundation Trustee at ni President Tony Lambino ang photo Story book na “Thrive” na naglalaman ng labing pitong kwento ng mga benepisyaryo ng 4Ps.

Share this