SONA 2025: PRES. MARCOS JR.

Narito ang ilan sa mga binanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA), July 28, 2025.

  • EKONOMIYA at HANAPBUHAY

• Paglikha ng Trabaho: Dumadami ang mga nalilikhang trabaho; layuning tulungan ang natitirang 4% na walang trabaho sa pamamagitan ng DOLE, DTI, DSWD, DoT, at iba pang ahensya.

• Apela sa International Investors: “The Philippines is ready, invest in the Filipino.”

• Presyo ng Bigas: Kayang ibenta ang bigas sa ₱20/kilo nang hindi nalulugi ang mga magsasaka.

• Pagpapalawak ng ₱20 Presyong Bigas Program: Matagumpay sa Luzon, Visayas, at Mindanao; ₱113 bilyon para palakasin ang DA at maglunsad ng daan-daang Kadiwa stores.

”Napatunayan na natin na kaya na natin ang bente pesos sa bawat kilo ng bigas ng hindi malulugi ng ating mga magsasaka.”

• Babala sa Price Manipulators: Kakaharapin ng gobyerno ang mga trader na manloloko at manipulador bilang mga sangkot sa “economic sabotage.”

  • EDUKASYON AT KABATAAN

• Aabot na sa dalawang milyong mag-aaral ang nakikinabang sa libreng tertiary education sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad.

• Palalawakin pa ang mga scholarship program, lalo na para sa mga kabataang kabilang sa mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps at Listahanan.

• ARAL Program: Nilunsad para mapataas ang kalidad ng edukasyon.

• Early Childhood Care: Pinalalakas ang suporta para sa mga batang mag-aaral.

• Mental Health at Bullying: Tututukan ang mga isyung ito; dagdag ng mga school counselors.

• Child and Bulilit Centers: Maglalaan ng isang bilyon para sa pagtatayo ng mga centers sa buong bansa.

• YAKAP Program: Libreng check-up, lab tests, at screening para sa mga estudyante at guro.

• Silid-Aralan: Magdadagdag ng 40,000 classrooms sa buong bansa.

• Tutoring & Remedial Programs: Para matulungan ang mga hirap sa pag-aaral.

• Internship & Pre-Employment: Programang ipagpapatuloy ng DOLE at DSWD.

• Laptops, Smart TVs, at Wi-Fi: Ipinamahagi na sa mga guro; walang anomalya sa pagbabahagi ng laptops. Samantala, 19,000 free wifi sites na ang naibahagi sa bansa.

• SIM card rollout: Pagbibigay ng isang milyonng sim card sa mga eskwelahan lalo na sa liblib na pook.

• Pangakong libreng Wi-fi: Sinigurado na magkakaron ng libreng internet ang lahat ng pambublikong paaralan.

• Sahod ng mga Guro: Dagdag pasahod para sa teaching overload at overtime.

• TECHVOC Training: Lumalawak ang oportunidad sa trabaho pag nakapagtapos sa naturang sistema. Maglalaan ng P60 bilyon para sa pampublikong paaralan at TECHVOC.

• Presidential Merit grant: Gagawaran sa mga HS students na may honors.

  • AGRKULTURA at PRODUKSYON

• Produksyon ng Baboy: Pamimigay ng biik, inahin, at pagtatayo ng biosecure facilities; ASF vaccine rollout.

“Bilang pangunahing solusyon sa mataas na presyo ng baboy, pinalalakas natin ang ating local na produksyon. Namimigay tayo ng biik at inahin, nagpapatayo din tayo ng mga biosecured facilities. Upang lubos na pababain ang presyo ng karne nagsimula nang magbakuna laban sa ASF.”

• Pagtaas ng Ani: Tumaas ang ani ng palay, mais, prutas, gulay, at iba pa.

• Tulong sa Magsasaka at Mangingisda: 8.5M benepisyaryo ng ayuda; pinalalakas pa ang tulong.

• Farm-to-Market Roads at Patubig: Libo-libong km at ektarya na ang napagsilbihan ng mga patubig.

• Makinarya at Pasilidad: Pamimigay ng rice processing systems, makinarya, at fiberglass boats.

• Industriya ng Niyog: Target ang pagtanim ng 100M puno; 15M hybrid seeds ngayong taon.

• Amiyenda sa Coconut Trust Fund Act: Hiniling sa Kongreso.

“Upang lubos na pasiglahin ang industriya ng niyog, hihilingin natin sa Kongreso na amyendahan ang coconut farmers and industry trust fund act para naman maging mas angkop sa mga pangangailangan ng ating mga magsasaka. “

• Suporta ng Agham sa Agrikultura: Makabagong teknolohiya para sa ani at produksyon.

• Youth in Agriculture: Scholarships at kurso sa agrikultura para sa kabataan.

”Naghihintay din sa ating kabataan ang mga kurso, programa, at mga scholarship sa larangan ng agrikultura upang ito ay kanilang gawing hanapbuhay balang araw at maipapagpatuloy ang marangal na kabuhayan ng kanilang mga magulang.”

• Pamamahagi ng Lupa: Pinapabilis ang pagbigay ng CLOA at e-Titles ng DAR.

  • ENERHIYA

• Pagdami ng Planta ng Kuryente: Kabilang ang renewable sources tulad ng solar at wind; patuloy na problema sa brownouts.

• Household Electrification: 2.5M bahay na nakakonekta; target: 4M pa sa 3 taon.

• Solar Power Expansion: Target: 100M kabahayan by 2028 na gumagamit ng solar.

• Net Metering Program: Para makabenta ng kuryente ang mga tahanan.

• Lifeline Rate Extension: Para sa low-income households na mababa ang konsumo.

• Siquijor Brownout Incident: Inimbestigahan at isinailalim sa state of calamity.

• Power System Reforms: Ayusin ang sistema ng pamamahala ng mga kumpanya ng kuryente at isulong ang refund kung nararapat.

  • TUBIG at SERBISYO

• Malinis na Tubig: Pinalalakas ang supply projects lalo na sa mga isla.

• Water Service Improvement: Local Water Utilities Administration (LWUA) gumagawa ng hakbang para sa 6M consumers na naapektuhan ng kakulangan sa tubig.

“Titiyakin ng LWUA na mailalagay na sa ayos ang serbisyo ng tubig ng milyon-milyong nating mga kababayan at gawing mas abot kaya ang presyo. Titiyakin na mapapanagot ang mga nagpabaya at nagkulang sa mahalagang serbisyong publiko na ito.”

  • WELFARE at KALUSUGAN

• 4Ps at Poverty Alleviation: “Tuloy-tuloy parin ang 4Ps… hangad din natin na amyendahan ang batas ng 4Ps upang matiyak na talagang sapat ang panahon para maitaguyod ang mga mahihirap.”

• Mahigit 5 milyong kabahayan ang nabigyan ng ayuda; 1.5 milyon ay “graduate” na mula sa programa sa tatlong taon.

• Tulong sa Homeless at Walang Gutom Program: “Sa ating mga LGU, hanapin n’yong lahat—ipasok silang lahat sa 4Ps.”

• 600,000 households ang nabigyan ng nutrisyon ngayong taon; target na 750,000 kabahayan sa 2027.

• Feeding Program ng DSWD at DepEd: “Nakapagbigay ng masustansyang pagkain at gatas sa mahigit 3.5 milyong mag-aaral.”

• Pangkalusugan at Aktibong Pamumuhay: Hinimok ang LGU na suportahan ang Zumba, fun run, car-free Sundays, at palaro upang labanan ang obesity sa edad 20 pataas.

• Bilang ng Ospital: Itinalaga 1,337 kabuaan bilang sa buing bansa.

• Pagpapalakas ng PhilHealth: Mas pinagandang serbisyo dahil sakop na ang mga gamot, operasyon sa kidney transplant, at iba pang outpatiend services.

• eGov App: Balak ilagay ang mas pinadaling at online medical assistance sa eGov app.

• Bakuna sa Kabataan: Pagpaspas sa DOH na kumpletuhin ang bakuna sa lahat.

• Zero Balance Billing: Wala nang babayaran ang mga pasyenteng nasa DOH hospitals lalo na sa basic accomodations.

  • TRANSPORTASYON

• Discount sa LRT at MRT: 50% discount sa mga estudyante, PWDs, at senior citizens.

• Pagbabalik ng Love Bus at gagawing libre. Pilot testing sa Davao at Cebu.

• Ilan sa mga pangunahing proyektong isinusulong sa ilalim ng programang “Build Better More” ay ang mga sumusunod:

  1. Bataan-Cavite Interlink Bridge
  2. PNR Bicol
  3. North-South Commuter Railway
  4. Extension ng SLEX (South Luzon Expressway)
  5. Road networks sa Mindanao

Layunin ng mga proyektong ito na mapadali ang biyahe at maging konektado ang iba’t ibang rehiyon sa bansa.

  • SPORTS

• Pagpapalakas ng Sports Development: “Magbubuhos tayo ng todo suporta sa mga palaro at mga atleta sa buong bansa.”

• Isusulong ang mga bagong pambansang programa mula paaralan; ibabalik ang sports clubs at intrams sa lahat ng pampublikong paaralan.

• Inspirasyon sa Kabataan: “Ang ating kabataan ay maagang namumulat sa sport… sumusunod sila sa yapak ng ating mga kampeon at world-class na atleta.”

•  Marcos sa pagtaas ng bilang ng overweight adults sa Pilipinas: Hinihikayat ang mas aktibong pamumuhay at community fitness:

  1. Mga fun run, Zumba, aerobics, at sports leagues sa bawat LGU
  2. Buksan muli ang mga parke at plaza para sa libreng ehersisyo
  3. Pagpapalawak ng Car-Free Sundays sa buong bansa upang hikayatin ang paglalakad, pagbibisikleta, at mas malinis na kapaligiran.

  • KAPAYAPAAN AT SEGURIDAD

•  Ayon kay PBBM: “Sa wakas, wala na ring nalalabing grupong gerilya sa bansa, at titiyakin ng pamahalaan na wala nang mabubuo muli.”

• Wala nang aktibong insurgent group sa bansa, ayon sa Pangulo.

• Tinutulungan ang mga dating rebelde at kanilang pamilya na makapagsimula ng bagong buhay sa pamamagitan ng livelihood assistance at tulong ng pribadong sektor.

• Kasalukuyang nakikinabang sa serbisyo ng gobyerno ang higit 13 milyong Pilipino mula sa mga lugar na naapektuhan noon ng kaguluhan—kasama rito ang:

  1. Mga bagong health stations
  2. Mga classroom
  3. Malinis na sistema ng tubig
  4. Streetlights at iba pang infrastructure
  • FLOOD CONTROL at ANTI-KATIWALIAN

• Palpak na Proyekto at Katiwalian sa Kinauukulan: “Maraming proyekto para sa flood control ay palpak at gumuho at ‘yung iba ay guni-guni lang.”

“Wag na po tayong magkunwari… Mahiya naman kayo.”

• Mga Hakbangin para Labanan ang Ghost Projects:

1. DPWH magsusumite ng listahan ng flood control projects sa huling tatlong taon.

2. Regional Project Monitoring Committee ang magsusuri sa mga proyekto (failed, unfinished, ghost).

3. Ipapalaganap ang listahan sa publiko.

• Audit at Pagsasampa ng Kaso sa Susunod na Buwan: “Makakasuhan ang lahat ng may sala… pati mga kasabwat na kontratista.”

• Layon na maipakita sa publiko kung paano ginastos ang pondo ng bayan.

  • BADYET

• Accountability: “Hindi ko aaprubahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayanang Pilipino.”

• Reenacted budget: Handang magkaroon ng reenacted budget kung hindi naka-align ang panukalang Generation Appropriations Bill sa 2026 National Expenditure Program (NEP). – Son Santiago, Aika Yubal, Dan Dojillo

Share this