SOTTO, BALIK BILANG SENATE PRESIDENT SA 20TH CONGRESS KAPALIT NI ESCUDERO

Manila, Philippines – Nagkaroon ng balasahan sa liderato ng senado ngayong araw ng Lunes, September 8, 2025.

Balik bilang Senate president si Senate Minority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto sa ilalim ng ika-20 kongreso.

Sa plenaryo ng Senado, sinang-ayunan ng mga senador ang nominasyon ni Senator Juan Miguel Zubiri kay Sotto bilang pangulo ng Senado, kapalit ni senator Francis Escudero.

Nauna nang kinumpirma ni Sotto na nakalikom siya ng labing limang boto sa kapwa niya sa senador.

Habang itinalaga ni Senator Panfilo “Ping” Lacson bilang Senate Pro Tempore, kapalit ni Senator Jinggoy Estrada.

Sa ikaapat na pagkakataon, napagbotohan bilang Senate Majority Leader si Senator Miguel Zubiri, kapalit ni Senator Joel Villanueva.

Sa privileged speech ni Senate President Tito Sotto, binigyang diin niya ang galit ng mga Pilipino kaugnay sa korapsyon at mga palpak na Flood control project at kakulangan ng silid-aralan.

Sa ikalawang pagkakataon, nangako si Sotto na mananatiling bukas, balanse, tapat, at independent ang senado.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this