SP SOTTO, PINAAKSYUNAN SA DOH ANG NAGLIPANANG PAGBEBENTA NG ABORTION PILL SA SOCIAL MEDIA 

Manila, Philippines – Nabahala si Senate President Tito Sotto ang paglipana ng abortion sa mga social media at iba pang online selling platform. 

Sa plenaryo ng senado noong Lunes kung saan pinag-usapan ang 391 billion pesos budget ng Department of Health para sa 2026, itinanong ni Sotto kay Senator Pia Cayetano ang pagiging legal ng pagbebenta ng produktong ‘Serpentina’ sa food and Drug Administration. 

Ayon kay Sotto, bukod sa kaso ng pagkalaglag ng bata sa matres ng ina, ang mga babae na uminom ng produktong serpentina ay nakaranas din ng multiple organ damage. 

Kinumpirma naman ni Cayetano na inaprubahan ng FDA ang paggamit ng produktong Serpentina.

Nakarehistro umano Serpentinna bilang food supplement sa FDA. 

Ngunit ineendorso ang produktong serpentina na nakagagaling ng hypertension, sakit sa ulo at iba pa.

Ayon sa FDA, susundin nila ang komento ng senado sa paglalabas ng abiso na hindi pwedeng gamitin ang serpentino para sa abortion.

Argumento ni Sotto na hindi sapat ang paglalaba ng abiso. 

Kailangan aniya na bantayan ng DOH at FDA ang pagkalat ng mga herbal medicine at supplement na nakakasira sa kalusugan ng mga publiko. 

Binigyang diin ng pangulo na lantarang krimen ang pagbebenta ng mga food supplement na may masamang epekto sa pagdadalang tao.

Lalo na’t nakakatulong ito para ipaglalag ang bata. 

Batay sa konstitusyon ng Pilipinas, illegal ang abortion sa bansa. 

May responsibilidad ang estado na protektahan ang buhay ng ina at ang buhay ng bata kahit nasa loob pa lamang ng sinapupunan.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this