STREET PARKING BAN, ISINUSULONG NG DILG KONTRA MATINDING TRAFFIC

Manila, Philippines – Nais ipatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang street parking ban para masolusyunan ang tumitinding problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila. 

Sa napagkasunduan ng Metro Manila Mayors at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang pagpa-park ng mga private cars sa mga gilid ng kalsada ay magmumula alas-singko ng umaga hanggang alas-dyis ng gabi. 

Pero bago raw nito, pupulungin muna ang mga department engineers ng bawat local government units (LGUs) at bubuo ng technical working group (TWG) para plantsahin ang mga maaaring maging problema. 

Sabi ni DILG Sec. Jonvic Remulla, pipiliin nila ang mga major thorough fare para tukuyin ang mga kalsadang hindi maaring paradahan. 

Sa joint meeting naman ng DILG Metro Manila mayors at regional development council, napag- usapan rito ang mga pangunahing problema sa pagbibigay ng daloy ng trapiko kabilang na ang street parking, illegal parking volume ng sasakyan, pagbaha, at mga e-trikes na nasa pangunahing kalsada. 

Suhestyon ng mga alkalde tuwing rush hour, walang mga nakaparadang sasakyan na nakakasagabal sa sa daloy ng trapiko lalo na sa mga mabuhay lanes. 

Inaasahang ilalabas ang desisyon at napagkasunduan ng TWG sa Seprtember 1, 2025. 

Sa pag-aaral na inilabas ng DILG, nanguna ang Davao City sa may pinaka traffic na lugar sa buong Pilipinas kung saan 136 hours ang nasasayang sa mga commuter sa loob ng isang taon dahil sa pagkaantala ng byahe dulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Pumangalawa ang Metro Manila na may 127 hours ang nasasayang sa mga commuter sa parehong panahon. 

Pinakamalala ang ‘payday Friday’  kung saan kailangan bumiyahe ng mga motorista ng halos 40 mins sa 10 kilometro lamang.

Share this