Vatican City Rome, Italy — Ginulantang ang buong mundo ng malungkot na balita ng pagpanaw ni Pope Francis, umaga nitong ika-21 ng Abril 2025.
Isang araw lamang ito matapos ang kanyang naging pagdalo sa Easter Sunday mass, matapos ang mahigit isang buwang hospitalisasyon.
Ayon sa Vatican Church, stroke at heart failure ang ikinasawi ng Santo Papa.
“Dr. Andrea Arcangeli, the Director of the Directorate of Health and Hygiene of the Vatican City State, has ascertained that the Pope died due to a stroke, followed by a coma and irreversible cardiocirculatory collapse,” ayon sa Vatican.
Bago nito, mahigit isang buwang na-ospital ang Santo Papa dahil sa double pneumonia, habang may dati na syang medical historu ng acute respiratory failure, high blood pressure, at Type II diabetes.
“Pope Francis will be buried in the Basilica of St. Mary Major in the Pauline Chapel, which houses the ancient icon of Maria Salus Populi Romani, as he requested in his Spiritual Testament,” dagdag ng Vatican.
Si Pope Francis ay nanilbihan bilang puno ng Simbahang Katolika sa loob ng 12 taon mula noong 2013, at pumanaw sa edad na 88.