SUBMISSION ON MERITS NG PROSEKUSYON VS. FPRRD, INILATAG

Sa ikalawang araw ng confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kahapon, iprinesenta nng prosecution panel ang kanilang submission on merits.

Dito inilatag nila ang mga ebidensya at argumento kaugnay ng tatlong bilang ng crimes against humanity na kinahaharap ng dating Pangulo.

Binigyang-diin ng prosekusyon ang malawakang at sistematikong pagpapatupad ng kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng administrasyon ni Duterte. 

Ilan sa mga nilatag nilang argumento ay ang paglalabas ng mga pangalan ng itinuturing na “co-perpetrators” ni Duterte na may mahalagang papel noong mayoral at presidential terms nito.

Kabilang dito sina Senators Bato dela Rosa at Bong Go, at mga dating kinatawan ng pulisya mula sa PNP at NBI.

Tampok din sa presentasyon ang kaso ng 17-anyos na si Kian Delos Santos na anila’y representasyon ng mga biktima ng extra judicial killings.

Binanggit din bilang argumento ang mga salitang “Project Tokhang” at “Nanlaban.”

Magpapatuloy ang pagdinig bukas, Huwebes, kung saan isasagawa naman ang submission on merits ng defense counsel ni Duterte. 

Share this