Manila, Philippines — Ilang linggo na lamang bago ang nakatakdang halalan sa Mayo 12, panibagong resulta ng survey ang inilabas ng Social Weather Stations (SWS) para sa mga nangungunang kandidato sa karera ng pagka-senador.
Batay sa Voter Preference survey ng SWS para sa buwan ng Abril, nananatili pa rin sa rank 1 si re-electionist senator Bong Go na nakakuha ng 45% na boto sa premise na ngayon gaganapin ang eleksyon.
Sinundan sya sa ikalawang pwesto ni ACT-CIS partylist representative Erwin Tulfo na may 43%, senator Lito Lapid sa ikatlo na may 34%, dating Senate President Tito Sotto at Senadora Pia Cayetano sa rank 4-5 na kapwa may 33%.
Sumunod naman sa listahan si senador Bato Dela Rosa na may 32%, kapwa 31% para kina Senador Bong Revilla at broadcaster na si Ben Tulfo, 29% para kay outgoing Makati Mayor Abby Binay, Camille Villar na may 28% , at re-electionsist na si Ping Lacson at Manny Pacquiao na may 26% at 25% na voter preference ayon sa SWS.
Siyam sa mga kandidatong senador na pasok sa Magic 12 ng SWS ay mula sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial slate na ini-endorso ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., habang dalawa naman ang mula sa PDP-Laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinagawa ang survey mula ika-11 hanggang ika-15 ng Abril sa pamamagitan ng face to face interview sa 1,800 na mga rehistradong botante nationwide.