TAAS-PRESYO SA PETROLYO NAKA-AMBA SA ABRIL 22

Manila, Philippines — Makaraan ang malakihang bawas singil sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong Holy Week, agaran ding binawi ang ginhawang ito dahil sa nagbabadyang taas-presyo ngayong linggo.

Sa magkakahiwalay na abiso ng mga oil companies, higit piso ang inaasahang magiging patong sa singil sa petrolyo ngayong linggo.

Simula sa Martes, ika-22 ng Abril, nakatakdang magtaas ng P1.35 ang kada litro ng gasolina.

P1.30 naman ang inaasahang magiging dagdag sa kada litro ng diesel, habang P1.10 naman na taas sa kada litro ng kerosene.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, sa Holy Week, P3-P4 ang naging rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy, ang inaasahang taas-singil ngayong Linggo ay maiuugnay sa tighter global supply, bunsod na rin ng mga bagong sanctions ng United States sa Iran.

Share this