TAAS-SINGIL SA PRESYO NG KURYENTE, HAHATIIN SA 3 BUWAN-ERC

Manila, Philippines – Pinayagan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na hatiin sa tatlong buwan, mula Hunyo hanggang Agosto, ang magiging dagdag sa singil ng kuryente.

Sa kasalukuyan, kinukuwenta pa kung magkano ang taas sa generation charge sa Hunyo at magkano ang butal na ipapasa sa July at August billing.

Samantala, ipinaliwanag ng Meralco ang mga dahilan ng panibagong taas sa singil sa kuryente ngayong Hunyo, maging ang bunga ng pagtaas ng pass through charges.

Kabilang dito ang generation cost o bayad sa mga power producers, gayundin ang transmission charge o bayad sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Nilinaw rin ng Meralco na tumaas ang singil sa FIT-ALL na ipinapataw ng gobyerno para sa pagsulong ng renewable energy sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this