TARIPA NG IMPORTED NA BIGAS, NAKATAKDANG ITAAS SA 20%; P43/KG MSRP NANANATILI – DA

Manila, Philippines – Nakatakda nang ipatupad ng Department of Agriculture (DA) sa January 16 ang pagtaas sa taripa ng imported na bigas na mula sa 15% ay magiging 20% na.

Ayon sa DA bahagi ito ng regulatory at procedural requirements, maging ang layuning mas mapatatag ang presyo ng palay ng mga magsasaka.

Alinsunod din daw ang hakbang na ito sa adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas mabigyan ng pansin ang mga lokal na palay ng magsasaka sa Pilipinas.

Kasunod pa rin ito ng una ng moratorium sa importasyon ng bigas ng apat na buwan noong 2025.

Samantala sa kabila naman ng 20% na taripa na ipapataw, mananaatili pa rin sa buong buwan ng enero ang P43/Kg na Maximum Suggested Retail price (MSRP) hanggang sa maisapinal ang adjustment sa taripa ng imported rice.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang DA sa Bureau of Customs (BOC), traders at exporters para sa ipatutupad na mas mataas na buwis.

Inabisuhan naman ang BOC na maging mas mahigpit sa inaangkat na bigas sandalias maging epektibo na ang 20% tariff increase.

Share this