TEODORO: ARREST POLICY NG CHINA, ISANG PROVOCATION

MANILA PHILIPPINES – Itinuturing ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na isang uri ng “provocation” ang ginawang arrest policy ng china.

Ito’y kaugnay sa direktiba ng Chinese Government sa Chinese Coast Guard na arestohin ang mga “trespasser” sa kanilang mga inaangking teritoryo sa South China Sea.

Anya ang hakbang ng Beijing ay isang “paglabag international peace ,” bagay na labag sa batas at dapat maging sanhi ng international concern.

They threatened to arrest. That is a provocation and a violation, to me, of the UN (United Nations) Charter,” sabi ni Teodoro sa ambush interview sakanya sa pagdalo nito sa ika 126th na anibersaryo
ng Philippine Navy
.

READ: BAGONG REGULATION NG CHINA SA WPS EMPTY THREAT – NSC

Ayon sa kilihim ang naturang kautusan ay ilegal at labag sa United Nations Charter.

Sabi pa ni Teodoro kung ano ang ginagawa ng Pilipinas sa ating exclusive economic zone (EEZ) at ang mga hakbang nito para ipagtanggol ang teritoryo nito ay “sa anumang paraan ay hindi matatawag na provocation ng sinumang matinong indibidwal.”

Such behavior is not only a violation of UNCLOS but also a violation of the precepts of the United Nations Charter which lays upon each responsible member state the duty to refrain from the threat or the use of force or aggression to enforce particularly in this case illegal territorial claims in the maritime domain,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this