TORRE, PORMAL NANG NAGRETIRO SA PNP; NARTATEZ, NAKATAKDANG MA-PROMOTE BILANG FULL-FLEDGED PNP CHIEF

Manila, Philippines – Maglilimang buwan na ang nakalilipas magmula nang italaga bilang Acting Philippine National Police (PNP) chief si Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. kapalit ni dating Gen. Nicolas Torre III.

Ngunit sa katapusan pa ng Enero inaasahang ganap na mappromote si Nartatez bilang four-star general at full-fledged chief ng PNP.

Kasunod ito ng opisyal na pagreretiro ni Torre mula sa PNP, alinsunod sa General Order mula sa PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) nitong January 19 na inaprubahan ng National Police Commission.

Batay sa utos, optionally retired na si Torre mula sa PNP mula Decembver 26, 2025 na may 5th longevity pay at retirement benefits alinsunod sa kanyang kasalukuyang rango.

Retired nang maituturing si Torre mula sa PNP kasunod na rin ng kanyang pagtanggap sa kanyang appointment bilang general manager ng MMDA.

Matatandaan na na-relieve si Torre mula sa pwesto, halos tatlong buwan mula nang ma-appoint matapos mnakatalo ang NAPOLCOM sa ginawa nyang reorganization at reshuffle sa hanay ng kapulisan.

Kaugnay nito, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na posibleng sa susunod na linggo ay isasagawa na ang donning of rank at turnover ceremony para kay Nartatez.

Share this