Inanunsyo na ng K-pop group na TREASURE ang kanilang pagbabalik sa Pilipinas para sa 2025–26 Treasure Tour [PULSE ON].
Batay sa inilabas na schedule ng YG Entertainment at Live Nation, nakatakdang idaos ang concert sa April 18, 2026 (Sabado) sa SM Mall of Asia Arena.

Bahagi ito ng kanilang Asia tour na magsisimula sa Seoul ngayong Oktubre, at magpapatuloy sa iba’t ibang bansa at lugar kabilang ang Tokyo, Aichi, Fukuoka, Kanagawa, Osaka, Macau, Taipei, Jakarta, Singapore, Hong Kong, Bangkok, at Kuala Lumpur.
Ayon sa organizers, malapit nang ilabas ang detalye ukol sa ticketing sa smtickets.com.
TREASURE, na binubuo ng 10 miyembro, ay kilala sa kanilang strong stage performances at mga hit songs na pumatok sa international charts.
Para sa mga Filipino Teume, ito ang panibagong pagkakataon upang masaksihan muli nang live ang kanilang mga idolo, matapos ang matagumpay na pagtatanghal ng grupo noong nakaraang taon.