TRES CHIC LUXURY ORIGINAL, NAGSAGAWA NG OUTREACH PROGRAM SA AETA AMBALA SA ZAMBALES

ZAMBALES, PHILIPPINES – Tulong tulong at sama samang nagkaisa para makapaghatid ng saya at tulong sa mga Aeta Ambala sa Zambales, sa ganyang paraan ipinagdiwang ng Owner ng Tres Chic Luxury Original na si Jhen Boles ang kanyang kaarawan kasama ang iba’t ibang mga organisasyon.

Sa isinagawang Outreach program, mahigit sa 200 residente ang nakatanggap ng kanilang mga tulong.

Ayon kay Boles matagal na raw nyang gustong magsagawa ng mga ganitong aktibidad, kaya naman lubos niyang ikinatuwa ang personal na maihatid ang tulong sa mga kapatid na katutubo sa Zambales.

“Hindi ko nga inexpect na ganito, masaya e sa totoo lang, yung feeling kase hindi ito kayang bayaran e, overwhelming yung pakiramdam,” sabi ni Boles.

“Gusto ko yung ganito, may community yung ganyan may mga sumasayaw masaya iba talaga sa pakiramdam, first time ko pero mukang uulit-ulitin ko,” dagdag pa ni Boles.

Bukod sa mga pagkain, laruan, sapatos at iba pa, mahagi rin ang negosyante ng tulong pinansyal sa komunidad ng Aeta Ambala na gagamitin nila upang magkaroon ng tubig sa bawat kabahayan.

Samantala naging katuwang at bahagi ng naturang outreach program, ang Eurotv Cares, League of Filipino Sellers at Generation 5.

Naging bahagi ng naturang aktibidad ang komedyanteng si Atakstar Araña na nagpasaya rin sa nasabing komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this