MANILA PHILIPPINES – Umakyat sa halos singkwenta porsyento ang kita ng mga lehitimong tricycle drivers sa Quezon City sa mas pinaigting na anti-colorum drive and “No Plate, No Travel” policy ng Land Transportation Office (LTO).
Ayon umano sa ilang TODA sa Qc mula sa 800 pesos na kita kada araw ng mga tricycle drivers pumalo ito
ng aabot sa 1,200 sa nakalipas na tatlong araw.
Kalakip nito nangako si LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa mga toda members at leaders na pananatilihin nito ang kanilang mga operasyon sa tulong ng local government unit ng Quezon City.
READ: DAILY AVERAGE INCOME OF TRICYCLE DRIVERS GOES UP AFTER ANTI COLORUM DRIVE OF LTO
READ: GRUPO NG MGA MANGGAGAWA, SINABING INSULTO ANG UMENTO SA SAHOD
Anya natutuwa ang LTO na nakapag bibigay g solusyon sa mga tricycle operators at drivers sa pamamagitan ng pagpapatupad ng agresibong kampanya laban sa mga walang laka at colorum na tricycles.
“Ito ay isa na namang patunay kung gaano naapektuhan ng colorum vehicles ang kita ng ating
mga kaibigan sa transport sector na lumalaban ng parehas,” ayon kay mendoza.
Sa datos ng ahensya umabot na sa tatlong libong backlog sa plaka ang natugunan para sa mga trycicle sa lungsod.
May kabuuang 38 tricycle ang nahuli sa unang araw ng pagpapatupad sa Quezon City noong unang araw ng hulyo sinundan ito ng 32 tricycle kinabukasan.
Pinagsasama-sama na ngayon ng LTO ang datos para sa lingguhang pagpapalabas ng operasyon sa Quezon City.
“Nagpapasalamat tayo sa Quezon City LGU under the leadership of Mayor Joy Belmonte at sa mga TODA leaders and members sa patuloy na pakikiisa sa layunin nating walisin ang mga colorum vehicles sa kalsada,” dagdag pa ni mendoza.