TULFO, NANAWAGAN SA MALALAKING KUMPANYA NG E-WALLETS NA TANGGALIN ANG GAMBLING FEATURES SA APP

Manila, Philippines – Nanawagan si Senator Raffy Tulfo malalaking kumpanya electronic wallets na magkusa tanggalin ang mga link ng online gambling sa kanilang app.

Aniya ng senador na siyang chairperson ng Senate Committee on Games and Amusement, hindi na kailangan pang hintaying ng mga electronic wallets na magkaroon ng batas para tanggalin ang link ng pagsusugal sa kanilang app. 

Binigyang diin ni Tulfo na nahaharap na ang maraming Pilipino sa krisis, at may responsibilidad ang mga electric wallets na tulungang makaiwas ang pilipino sa pagsusugal. 

Dalawa sa mga pinaka malalaking kumpanya ng financial platform–ang Gcash at PayMaya ang hinihikayat ng Senador na tanggalin ang link ng online gambling. 

Nabanggit din ni Tulfo ang tumataas na bilang ng mga advertisement sa mga social media at iba pang internet application.

Giit ng mambabatas marami ng buhay ang nasisira dahil sa pagiging easy access ng pagsusugal sa cellphone. 

Lalo pa aniyang nakakaalarma na ang ilan na sa tanggapan ng gobyerno ay unti-unti nang lumilipat sa digital payout gamit ang Gcash. 

At ang posibilidad na dumiretso ang tulong pinansyal sa mga online gambling app. —Krizza Lopez, Eurotv News

Share this